Isa sa mga pinakamasarap na pakiramdam ay ang umibig. Lalo na kung ang taong iniibig mo ay may pagtingin din sa’yo. Pero ano nga ba ang pag-ibig? Ano kayang gawin nito sa taong nakararamdam nito? Marahil halos naman lahat sa atin ay naranasan ng umibig, tama ba? Naisipan kong magsulat ng tungkol sa paksang pag-ibig gamit ang wikang unang ko sinambit nung ako’y bata pa, sa wikang alam kong mas masasabi ko ang nasa isip at puso ko.
Ako’y dalawampung taong gulang na ngunit di pa ko pa nararanasan magkaroon ng boyfriend . Minsan iniisip ko, ganun na ba talaga ako kapanget at parang walang nagkakagusto sa akin. Syempre, hindi lang naman ang ganda ng isang tao ang basehan upang magustuhan mo sya. Minsan gusto mo sya dahil mabait sya, matalino o kaya naman minsan sadyang nade-develop ka lang. Dalawang (2) beses ko na nasubukan umibig. Yun nga lang dalawang beses din ako nasaktan. Gusto ko ikwento sa inyo yung dalawang beses na nagkaroon ako ng “one-sided love story“.
Ang unang lalake na minahal ko ay nakilala ko noon 1st sem, 2nd year college ako. Kaklase ko sya noon. Hindi ko sya masyado napapansin noon dahil mayroon akong crush na basketball player sa Unibersidad namin. Nung panahon na yun, yung isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan sa klase namin ay may gusto sa kanya. Lagi nya sa akin kinukwento yung lalake na yun hanggang sa tumagal, unti unti ko na syang napapansin at nagka-gusto na rin ako sa lalake na yun. Pinilit kong wag magkagusto sa kanya dahil alam kong magagalit ang kaibigan ko. Pero di mo naman mapipigil ang puso di ba? Lalo mo itong pinipigilan, lalo itong nagiging pasaway. Natatandaan ko noon, buwan ng Septyembre, inamin ko sa kaibigan ko na may gusto na ako sa lalake na gusto rin nya. Nagalit sya sa akin. Sinabihan nya akong traydor. Ako naman iyaking bata, iyak ng iyak kasi nagka-away kami pero syempre natanggap din nya at nagparaya na lang sya sa nararamdaman ko. Dumating ang Oktubre at naging close na kami nung taong gusto ko. Hindi ko na matandaan kung paano pero bigla na lang kami naging constant txtmates. Halos araw araw magka-txt kami. Pagkagising, bago matulog. Napupuyat ako dahil lang sa kanya. At nung kaarawan ko, hindi sya nakasama pero nagpadala naman sya ng cake. Kilig na kilig ako nun pero ayaw ko ipahalata sa iba kong kaibigan dahil nahihiya ako saka hindi pa nila alam na may gusto ako dun. Wala rin nakakaalam na madalas na kami magka-txt. Dumating ang 2nd sem, naging kaklase ko ulit sya. Di na kami masyado nagkaka-usap nung kaibigan ko na dating may gusto sa kanya dahil lagi na lang sya nagagalit sa akin. Kaya noon, iba na ang nakakasama ko. Lalo kami naging close nung taong gusto ko. Sinabi ko rin sa kanya na may mahal ako pero di masabi sa taong ito. Binigyan nya ako ng mga payo pero di nya alam sya yung lalake na yun. Dumating ang araw na hindi ko na mapigilan sarili ko. Ayun, sinabi ko na sa kanya na sya yung mahal ko. Akala ko iiwasan nya ako pero sobrang bait ng taong ito at mas madalas pa nya ako kinakausap nung magtapat ako sa kanya. Tinutulungan pa nya ako sa mga school papers para sa community namin. Yun nga lang, may nagyari nung huling buwan ng taon, nag-break yung isa kong kaibigan at yung boyfriend nya. Matagal ko ng pansin na yung kaibigan ko na ito at yung taong gusto eh may pagtingin sa isa’t-isa. Tama nga ang kutob ko, naging shoulder to cry on ni babae si lalake. Eh ako naman, iyak na iyak din. Kasi alam kong wala na akong pag-asa. Halos araw-araw umiiyak ako. May marinig lang akong nakakaiyak na kanta, iiyak na ako. Pag tinanong lang ako ng mga kaibigan ko kung mahal ko ba talaga sya, tutulo na lang bigla luha ko. Pag nakikita ko silang magkasama, natutulala na lang ako hanggang sa tumulo luha ko. Walang araw at gabi na hindi ako umiiyak. Nagkaroon ako ng depression noon. Di ako makakain, makatulog, makapag-aral ng maayos. Dun ko nasabi sa sarili ko, “ganito pala magmahal, sobrang sakit.” Halos di na rin ako pumapasok sa mga klase ko noon at kung pumasok man ako, late naman. Umuwi din ako sa probinsya namin dahil di ko na talaga kayang pumasok pa. Ang sakit sakit kasi na makita silang magkasama at sobrang naging bitter ako sa kanila. Nag-alala na yung mga kaibigan ko sa akin. Tinatawagan na nila ako. Pero syempre pumasok pa din ako. Yun nga lang, laging maga ang mata ko. Binalak ko din magpakamatay noon. Kasi talagang ang saki sakit sakit sakit. To the nth level talaga yung sakit. Wagas eh. Buti na lang di ko tinuloy. Naalala ko pa, kinausap ako ng tita ng bestfriend ko noon kasi nakita nya kung paano ako umiyak. Naging sila nung January. Akala nila okay na ako noon pero syempre hindi. Di na rin kami nag-usap ng kaibigan ko at nung lalake kasi syempre di naman ako ganun ka-tanga para kausapin pa sila. Lumayo din ako sa barkada ko kasi nasa isang barkada lang kami. Dumaan ang madami pang buwan pero di na natapos issue sa amin tatlo. Naka-away ko pa si lalake. Pero habang tumatagal, umaayos naman. Naging okay na ulit lahat. Kahit na inabot din ng halos isang taon bago ako naka-move-on. Ilang beses din pala ako naglasing dahil sa lalakeng ito. Pag-ibig nga naman noh? Sa ngayon, pag naalala ko yun mga panahon na nagbali-baliwan ako sa lalake na ito, natatawa na lang ako. Siguro ganun talaga pag first love at first heartache. Hanggang ngayon, sila pa din nung kaibigan ko at masaya ako para sa kanila. š
……SA SUSUNOD NA KABANATA NAMAN YUNG PANGALAWANG TAONG MINAHAL KO……
Leave a Reply