Pag-Ibig Nga Naman (Part 2)

24 Nov

Eto na ang pagpapatuloy ng aking one-sided love story.

••••••••••

Nakilala ko ang pangalawang taong minahal ko noon nasa 2nd sem, 2nd year college ako. Itago na lang natin sya sa pangalan na Kier*. Hindi ko maaring sabihin ang tunay nyang pangalan sa kadahilanang baka mabasa nya ito. Naging kaklase ko sya at katabi ko pa sa upuan sa halos lahat ng subjects namin. Inis na inis na inis ako sa kanya dahil ang ingay nya, palamura, mayabang at feeling close. Mga katangian na ayaw ko sa lalake. Kung nabasa nyo ang Part 1 nitong kwento, maaalala nyo yung kaibigan ko na unang nagkagusto sa 1st love. Nagkagusto sya kay Kier*. Hindi lang gusto, kung hindi, gustong gusto nya talaga. Wala naman ako pakealam dahil naiinis ako sa lalakeng ito nung mga panahon na yun at sobrang mahal ko yung 1st love ko. Gusto ng kaibigan ko na maging close kami ni Kier* para ilakad ko sya pero ayaw ko kasi talagang naiinis ako sa kanya. Gusto ko na nga magpalipat ng upuan eh pero syempre bawal. Walang araw na hindi kami nag-asaran. Lagi kaming nagbabarahan. Sabi nya noon, ako lang daw nakakakita ng mga panget sa kanya at ako lang ang unang babaeng nakakapang-asar sa kanya ng ganun. Nung sinabi nya yun, medyo nagiging okay na kami. Nag-aasaran pero nagiging magkaibigan na kami. Unti unti na rin napapansin ng iba yung closeness namin pero syempre wala akong pakealam kasi nga may gusto akong iba. January talaga kami naging sobrang close. Ako kasi group leader sa Community Health Nursing namin. Yun panahon na sobrang broken-hearted ako pero di pa nya alam yun. Sya rin kadalasan nakakapansin na late ako at pumapasok na namamaga ang mata ko. Lagi nya akong inaasar na umiyak ako. Ang hindi nya alam, totoo yun. Lagi pa nya inte-txt kung papasok ako. Unti-unti na kami nagsasabihan ng mga sikreto namin pero di ko pa rin sinasabi yung problema ko sa pag-ibig. Madalas sya pumupunta sa apartment namin para tulungan ako sa school papers namin. Inaabot sya ng madaling araw. Ganun sya kabait kahit na mapang-asar sya. Pupunta pa yan sa amin kahit na may lagnat pa sya. Tinutukso na kami ng mga kaklase namin noon pero wala lang sa akin. Pero yung kaibigan ko, sineryoso yung mga tuksuhan. Akala nya nag-traydor na naman ako sa kanya sa pangalawang pagkakataon. Eh hindi naman. Saka hello, alam naman nya na mahal na mahal ko yung isang lalake noon at nakikita naman nya kung paano ako umiyak dun. Eh pero pinaniwalaan pa rin nya yung sinasabi ng ibang tao. Hindi ko na pinatulan. Ayaw din ni Kier* sa kanya dahil nalaman nya na may gusto sya sa kanya at alam nyang inaaway ako nito. Sabi nya wag ko na daw kausapin yung kaibigan ko. Nung last week ng January, nagkayayaan kami ni Kier* at nung isa pa namin kaibigan na manood ng last full show ng Inkheart. Pero sabi ko, 7pm screening na lang. Pumayag naman sila. Aba alas-syete na pero wala pa si Kier*. Yung isa namin kaibigan at kapatid nya nasa loob na ng sinehan. Bibili na dapat ako ng ticket pero biglang syang nagtxt na hintayin ko sya at kaming dalawa na lang manood. Hinintay ko sya. Pagdating nya, naglibot libot pa kami sa SM San Lazaro. Tapos ayun nanonood kami ng last full show. Ang daldal nya habang nanonood kami. Kinabukasan, alam na ng mga kaklase namin na nanonood kaming dalawa ng sine. Sabi pa ni Kier* nag-date kami. Date? eh nagkanya kanya nga kaming bayad nun. Pero naisip ko, sya nga pala nagbayad tapos binigay ko rin sa kanya yung pera ko. Eh tinanggap naman nya. Alam nya kasi ayaw ko nagpapalibre. Minsan, nagpunta halos lahat ng group namin sa bahay tapos sabi nya naiwan nya yung mga school papers na kailangan namin. Samahan ko raw sya sa dorm nila. Sabi ko sa iba na lang sya magpasama pero ayaw raw nya. Sinamahan ko sya tapos yun pala, yayayain lang nya ako mag-dinner. Pumayag naman ako. Halos isa’t kalahating oras kaming wala. Txt ng txt na mga kasama namin. Dumadalas na pagpunta nya sa bahay namin. Minsan nakikinig kami ng music nang biglang nag-play yung When You Look Me In The Eyes. Bigla ba naman nya ako tinitigan. Sabi ko sa kanya, hindi ako madadala ng mga titig nya. Sabi nya, wag kang magsalita ng tapos. May instance pa na umiinom kami hot chocolate. Nasa hagdan ako tapos pumunta sya likod ko. Halos magkadikit na kami. Pwede naman sya tumabi sa akin bakit kailang dun pa sya umupo di ba? Siguro akala nya may gusto ako sa kanya. Ewan ko lang kung may gusto sya sa akin. Dumating yung gabi, sinabi ko sa kanya na may gusto ako sa mga kaklase namin. Sabi ko, di ko masabi sa kanya dahil nahihiya ako. Akala yata nya sya kasi wagas yung ngiti nya nun eh. Tapos sinabi ko na yung pangalan ng kaklase namin. Bigla syang kumuha ng tubig. Di nya ako tinignan. Simula noon, di na sya masyado pumunta sa amin. Pero nakikinig pa rin sya mga kwento ko tungkol sa dun sa isang lalake. Sya naman naging shoulder to cry on ko. Nag-summer na pero di na kami magkaklase noon. Pero nagsasabihan pa rin kami ng problema. Nagkaroon na rin kami ng isang barkada. Magkakasama kami nag-lunch pero di ako makakakain. Nagkaroon kasi ako ng anorexia nung mga panahon na yun. Nagagalit sya kasi di ko inuubos yung pagkain ko. Kaya ayun, unti-unti ko na rin sinubukang kumain ulit. Tumaba na naman ako. 😦 Ang tagal namin ulit hindi nagkita tapos minsan nag-bar kami. Pagpunta nya sa bahay, masyado yata syang excited na makita ako kasi nasa CR pa lang ako, binubuksan na nya yung pinto. Madalas din sa harap ng taxi sa umuupo pero nung panahon na yun, tumabi sya sa akin. At pagbaba namin, feeling ko prinsesa ako kasi inabot pa nya yung kamay ko. Pero syempre nag-inarte ako at hindi ko binigay kamay nya. Alam nya di pa rin ako maka-moveonedotcom noon. Nagkagusto na sya sa iba. Sa isa nyang kaklase. Ako naman, okay lang. Hanggang sa nasanay na ako na lagi ko sya kasama. Gusto ko na sya laging nasa tabi ko. Nagsimula na ako magselos sa mga babaeng nagiging kaibigan nya. Pero sabi naman nya, kahit ilang babae pa yan, iba pa rin daw ako. Fourth year ako ng maramdaman ko na mahal ko na sya. Nung niyaya ko syang lumabas. Hindi date. Parang yun tulad lang ng dati. Nag-oo sya noon. Pinaghandaan ko talaga. Bumili ako ng damit at sapatos. Tapos bigla syang umayaw. Iyak ng iyak ako noon. Inaway ko talaga sya. Isang buwan kaming hindi nagpansinan. Pag nagkakasalubong kami sa hallway ng school, nag-iiwasan kami ng tingin. Syempre, iyak na naman ako tuwing mangyayari yun. Hanggang isang umaga, habang papunta ako hospital duty ko, bigla syang nagtxt. Nanghihingi ng Evidence-Based Nursing papers. Eh grabe lang, malapit na mag-6am nun. May duty din sya ng 6am at halos 2 hours byahe sa hospital na naka-assign sya. Sabi ko, gumagawa lang toh ng paraan para magkabati kami. Ayun, successful naman sya kasi nagbati kami. Nagka-txt na ulit kami. Nagkita ulit kami nung enrollment. Nilibre pa nya ako kasi katatapos lang ng birthday nya. Pinahiram ko pa sa kanya yung libro na “Beastly” ni Alex Flinn. Sabi ko para sya yung bidang lalake. Feeling ko naman ako yung bidang babae. Nagkwentuhan kami ng kung ano ano hanggang mapunta kami sa gusto nyang kaklase nya. Balak na raw nyang ligawan at ako lang daw mahihingan nya ng advice. Ako naman, kahit nasasaktan, pinayuhan sya kahit labag sa loob ko mga sinasabi ko sa kanya. Eh syempre, matalik kaming magkaibigan eh. Gusto ko na nga umiyak sa harap nya kasi kitang kita ko sa mga mata nya na gusto nya talaga yung babae. Saka anong laban ko dun sa babae? Hello, model kaya yun. Maganda talaga. Eh nung araw na yun, na-ospital yung babae dahil may dengue. Sabi nya magkita na lang daw ulit kami nung ganing yun pagkatapos nyang bisitahin yung babae. Selos naman ako. Tapos nung gabi, as usual nag-back-out sya kasi nandun pa sya sa ospital. Sobrang selos ko noon at nainis ako ng sobra dun sa babae. Pero ngayon hindi na ako naiinis ah. Syempre umiyak ako. Pero sabi ko sa kanya, kung mahal mo talaga yung babaeng yun, sige ligawan mo. Mukhang mabait naman at basta wag lang nyang lolokohin yung babae at mahalin nya ng sobra. Oh di ba, wagas ang pagiging martir ko. Nag-christmas party kami ng mga kaklase ko. Pinili ko magpakalasing kasi gusto ko ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Ayun, nalasing nga ako. Iyak ng iyak ako. Ang sinasabi ko lang “Mahal na mahal ko si Kier*. Sya lang wala ng iba. Wala akong pakealam sa ibang lalake.”. Pa-ulit ulti yun habang umiiyak ako. Natatandaan ko pa, sinabi ko ” ano bang mali sa akin at hindi nya makita na mahal na mahal ko sya? Bakit puro si E**** na lang?” Ang wasted ko talaga nung gabing yun buti na lang inalagaan ako nung isa kong kaklaseng lalake. Nagkita ulit kami ni Kier* ng January. Tanggap ko naman na yung babaeng gusto nya kaya yun agad tinanong ko sa kanya. Sabi kumusta na sila ni E****. Kung nag-level up na sila.sabi nya may iba na raw syang gusto. Yung isa raw nilang kaklase. At di pa raw alam sa classroom nila dahil ang alam nila nililigawan nya yung isa. Tinanong ko kung mahal nya tong bagong babae, sabi nya di raw pero may mas pag-asa raw sya dito. Gusto kong sabihin sa kanya, “Eh kung ako na lang ligawan mo. Matagal ka ng may pag-asa sa akin.” Pero syempre di ko pwedeng sabihin yun kasi may rule kami na walang talo talo sa kaibigan. Iyak na naman ako. Napaka-iyakin ko talaga eh. Ilang araw lang, nalaman ko silang dalawa na. Ang bilis di ba? Tapos nung Valentine’s Day, ang gusto pa ni Kier*, ako bumili ng bulaklak sa girlfriend nya. ayos di ba? Alam kong martir ako pero di naman ako tanga para bumili ng bulaklak para dun noh. Bwisit! Di ako pumayag. Dumaan mga araw, pinilit kong kalimuta sya. Binaling ko yung tingin ko sa ibang tao. Madami akong nagustohang lalake pero hanggang gusto at crush lang talaga. Di ko talaga magawang kalimutan si Kier*. Nagkita ulit kami, sabi nya, bago matapos ang taon dapat mag-boyfriend na raw ako kung hindi, ililibre ko daw sya. Eh paano kaya ako magkaka-BF, eh sya gusto ko na malas ko lang may GF naman sya. Nung graduation pareho kaming schedule. Sinulit ko na yung araw na yun at hindi na ako umalis sa tabi nya. At pagkatapos ng graduation ceremony, ngayakap kami ng sobrang higpit. Yung parang wala ng bukas. Iiyak na nga sana ako kaya lang pinigilan ko. Yun na yung huli namin pagkikita. Nakaka-usap pa rin kami sa txt paminsan-minsan. Med student sya ngayon. Sila pa rin ng GF nya. Ako naman, eto, wala pa ring BF at mahal pa rin sya. Nag-aantay sa kanya. Malay mo balang araw maging kami din di ba? O kaya naman, makakita ako ng taong mamahalin ako ng tulad ng pagmamahal ko kay Kier*.

•••••••••••

Oh ayan, tapos na ang kwentong pag-ibig ko. Kayo ano naman ang kwentong pag-ibig nyo?

***Si Kier* at si Patrick* na bestfriend ko at nabanggit ko sa ibang blog post ko ay iisa. 🙂

Advertisement

7 Responses to “Pag-Ibig Nga Naman (Part 2)”

  1. RiaNinomiya❤ December 11, 2011 at 7:57 am #

    Ahuhu… Sobrang nakakaiyak naman niyan. Dapat sabihin mo na sa kanyang nararamdaman mo.

    • annerifficweak December 11, 2011 at 9:06 am #

      Sobra talaga. 😥 pero ganun talaga ang buhay. Gusto ko na sabihin sa kanya pero baka masira pagkakaibigan namin. 😦

  2. RiaNinomiya❤ December 11, 2011 at 3:36 pm #

    😦 you should try read I ng something borrowed by emily giffin or at least watch it. Natatandaan ko sa kanya yung love story mo. Sobrang nakakakilig niyo. :”> sana may mameet rin akong ganyan hahaha naks.

    • annerifficweak December 12, 2011 at 12:58 am #

      Sige, I’ll buy her book. Nakikita ko yung mga books nya sa Powerbooks pero wala pa akong book nya. Ang binasa ko na book na parang kwento namin eh yung kay Cecelia Ahern. Love, Rosie yung title. Naging sila lang nung 50 years old na sila. Baka maging ganun din kami.

  3. mary chris sagusay April 4, 2013 at 7:18 pm #

    oo nga sabihin mo na kasi. . .

  4. jenalyn September 9, 2013 at 7:09 pm #

    super sakin nman pala ng lovelife mO

  5. freulein ramirez panlaqui December 12, 2013 at 8:18 am #

    ISANG NAKAKAiyak na story

    nakilala ni si boy si girl
    tapos namatay cla!!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: